annalyn.net

Manila food, lifestyle & travel blog

Pagkaing kalye: madumi pero masarap ….

November 20, 2008 ·

Susubukan ko ngayon na magsulat sa sariling wika sapagka’t trip kong sumali sa lingguhang meme ng mga bongga ka day na mga blogistang-litratista ng Litratong Pinoy! Aaminin ko na ang pangunahing atraksyon sa akin ng pagsali dito ay ang pagkakataon na magsulat muli sa Pilipino. Mas madaling magsalita kesa magsulat ng katutubong wika, di ba? at mahirap magsulat kung di mo man lang ito pina-praktis at ang gusto mo lang ay haypalutin na Ingles. Kaya samahan nyo po ako sa aking munting ensayo at talakayin ang tema ng LP ngayong linggo na ito na pinamagatang “madumi.”

Nakakapagtaka. Halos tatlong libo na rin ang mga larawang kuha ko sa Flickr, pero wala akong maisip na litratong aakma sa temang ito. Naisip ko tuloy na dapat yata ay magising na ako sa katotohanan at hindi na lang puro kagandahan ng buhay ang kunan.

Halimbawa: nandiyan naman ang mga barung-barong, ang kaawa-awang kalagayan ng Pasig River o di kaya ang mga gusgusing nilalang na nagpapalimos sa atin sa Maynila. Bakit kaya karamihan sa mga blogistang tulad ko ay puro masasarap na pagkain at magagandang tanawin na lang ang kinukunan? Hindi ba form of self-denial ito, o shying away from reality kaya? Muni-muni mode on! ๐Ÿ˜›

Pagkain na naman ang naisip ko pag pinag-usapan ang “madumi” at yan ay ang street food!Wala nang ibang madumi na masarap di ba?

Kwek kwek

Naalala ko tuloy ang “dirty ice cream.” Tayong mga Pinoy lang yata ang may bansag ng ganito sa ating sorbetes. Ipinagmamalaking dirty pero yummy. Ube,keso, mangga at buko flavors… nyarap! ๐Ÿ˜›

Street calamares

Ano ba kasing meron ang street food? Napapaligiran ng alikabok at di mo nga alam kung pang-ilang gamit na ang mantika. Ang hugasan pa ni Manang ay chipipay na palanggana. Pero ang sarap nito, babalik-balikan mo…. ๐Ÿ™‚

Filed Under: Litratong Pinoy

Comments

  1. Thess says

    November 20, 2008 at 7:04 pm

    Lol* AJ, ang husay mo mag-tagalog ๐Ÿ˜€ o di ba, nakaka praktis tayo tuloy he he. Tumpak ka sa isang bagay tita, masarap talaga ang pagkaing kalye kahit madumi sya…matitibay yata tyan nating Pilipino ha ah ha!

  2. Eric says

    November 20, 2008 at 8:09 pm

    naloka ako. talagalog! ahaha

    but this is nice. i will try to do this starting next year. at least once post monthly. ๐Ÿ˜€

    kelangan ko na mag praktis ng aking tagalog

  3. julie says

    November 20, 2008 at 8:09 pm

    Totoo yan, puro nga masasarapang pino-post, eh hindi naman iyon ang ordinaring kinakain, kahit ng mga bloggers mismo.

    Gusto ko din yang mga yan, kaya lang medyo bawal na sa akin ๐Ÿ™

  4. tanchi says

    November 20, 2008 at 9:22 pm

    ang sarap nyan..ok lang kahit madumi..di naman nakikita…ang importante, masarap:)

    maligayang LP!

    http://monkeymonitor.blogspot.com

  5. iris says

    November 20, 2008 at 11:41 pm

    oo nga, ano ba meron yan at ang sarap? kung ano nga naman ang bawal, yun ang masarap! hehe.

    happy thursday sayo!

  6. mari says

    November 21, 2008 at 1:55 am

    kwek-kwek at calamares! yum!!!

  7. witsandnuts says

    November 21, 2008 at 2:06 am

    Yay, tagalog. =) Masarap basahin. Naalala ko ang sinulat ko dati tungkol sa isiniwalat ng Imbestigador tungkol sa street calamares http://witsandnuts.com/?s=beware of streetfood

  8. Lawrence says

    November 21, 2008 at 8:16 am

    ??????????????????????????????????????

  9. jher says

    November 21, 2008 at 10:37 am

    sarap naman nyan! di ba nga ang paniwala ng iba sa pagkaing kalye eh basta nadaanan ng apoy, pwede nang kainin dahil namatay na ang mikrobyo. alam naman natin na hindi totoo yon. kaya kami kung gusto naming makakain ng “street food” sinusubukan na lang naming lutuin, tulad nung calamares. o kaya sa kakilala lang kami bumibili. magandang LP sa iyo ajay!

  10. jessforget says

    November 21, 2008 at 12:11 pm

    waw!! tagalog tayo! ๐Ÿ™‚ uu nga naman paminsan minsan kelangan din natin magtagalog sa mga blogs natin. mas madali gawin heheh.. pagkaing kalye uu masarap yun kahit alam natin na medyo naliligo na mga yun sa alikabok sa kalye o d kaya ay d natin cguradong malinis ang mga yun pero masarap parin at sulit sa bulsa. ๐Ÿ™‚

  11. michelle says

    November 21, 2008 at 3:42 pm

    Wow! pagkaing kalye..masarap yan.pinaka-paborito ko ay un barbekyu…sarap balik-balikan hanggang maubos na ang dala kong pera.Sabi nga ng iba, ang pagkain ng mga “street foods” ay lakasan lang ng sikmura.

  12. Shuttercow says

    November 21, 2008 at 9:36 pm

    Masarap yan. Gusto ko yan.

    Ito po ang lahok ko.

  13. lino says

    November 22, 2008 at 10:32 am

    kore, madumi pero masarap….
    pasensya na at ako’y nahuli, pakisilip ang aking lahok… ๐Ÿ™‚

  14. u8mypinkcookies says

    November 23, 2008 at 1:01 pm

    dirty ice cream (esp. yung mango and chocolate!), taho, banana-/camote-q and turon! ๐Ÿ˜€ yummmmmmm…

  15. edelweiza says

    November 24, 2008 at 4:37 pm

    bakit lahat na lang sa buhay ng tao ironic? parang pagkain…madumi pero masarap. ah ewan, basta ako kakain pa rin ng street food kahit madumi ito. ๐Ÿ™‚

  16. Jiana says

    November 1, 2009 at 12:50 pm

    thanks po for posting this yummilicious blog(of course….. the pics!)
    it really helped me on doing my research paper <3so keep it up!

About Annalyn

This blog is my own happy place where I’ve posted articles on a sundry of topics since 2004. I am presently passionate about health, fitness, family and travelling.

For those who like to travel in style, try checking outย  a travel agency which specializes in custom made, luxury holiday packages to anywhere in the Philippines. From day tours to complete vacations – You can find it there.

Looking for something? Feel free to browse the archives. Email me at annalyn.jusay@gmail.com for inquiries and collaborations. Thank you for visiting! –

Top 100 Philippines Blog
Top 100 Philippines Blog

 

Follow my Instagram

[instagram-feed]

California Wines Celebrate the Judgment of Paris in Manila

Fifty years ago, a blind tasting in Paris changed the wine world forever. This November, Manila got to raise a glass to that moment. The California Wine Institute (CWI) brought its Judgment of Paris 50th anniversary celebration to the Garden ... Continue Reading...

Kilyawan Farm Resort in Ibaan, Batangas wins architecture award

Kilyawan Farm Resort, a family-run farm resort in Ibaan, Batangas, has received national recognition for its architecture, earning an Architecture Honoree distinction in the Professional Category of the Haligi ng Dangal Awards 2026. Conferred by ... Continue Reading...

Tuna In A Carton? The Future of Pantry Staples

From quick tuna sandwiches and creamy pasta to rice bowls and easy baon ideas, canned tuna has long been a reliable staple in Filipino kitchens. It is affordable, versatile, easy to prepare, and convenient to keep in the pantry for days when cooking ... Continue Reading...

Get annalyn.net on your inbox!

Kindly enter your email address here for my latest posts
Loading

Annalyn.net 2021

All rights reserved. No text or images in this website may be reproduced without permission from the owner

Categories

Archives

Recent Comments

  • Matt on Oppo A54 6+128GB online price at P9,999
  • Chef Jessie Sincioco on Chef Jessie bakes the best cakes for Valentine’s Day
  • ELSA A. RIVERA on Last few days to get 2020 Serenitea Diary at a steal! + Giveaway!
  • Mary Joy Juanico on Last few days to get 2020 Serenitea Diary at a steal! + Giveaway!
  • Monnette on Last few days to get 2020 Serenitea Diary at a steal! + Giveaway!

Pages

  • About
  • Advertise
  • Contact
  • Home
  • Search

Theme Design By Studio Mommy · Copyright © 2026

Copyright © 2026 ยท Chloe Emerson Theme on Genesis Framework ยท WordPress ยท Log in