Susubukan ko ngayon na magsulat sa sariling wika sapagka’t trip kong sumali sa lingguhang meme ng mga bongga ka day na mga blogistang-litratista ng Litratong Pinoy! Aaminin ko na ang pangunahing atraksyon sa akin ng pagsali dito ay ang pagkakataon na magsulat muli sa Pilipino. Mas madaling magsalita kesa magsulat ng katutubong wika, di ba? at mahirap magsulat kung di mo man lang ito pina-praktis at ang gusto mo lang ay haypalutin na Ingles. Kaya samahan nyo po ako sa aking munting ensayo at talakayin ang tema ng LP ngayong linggo na ito na pinamagatang “madumi.”
Nakakapagtaka. Halos tatlong libo na rin ang mga larawang kuha ko sa Flickr, pero wala akong maisip na litratong aakma sa temang ito. Naisip ko tuloy na dapat yata ay magising na ako sa katotohanan at hindi na lang puro kagandahan ng buhay ang kunan.
Halimbawa: nandiyan naman ang mga barung-barong, ang kaawa-awang kalagayan ng Pasig River o di kaya ang mga gusgusing nilalang na nagpapalimos sa atin sa Maynila. Bakit kaya karamihan sa mga blogistang tulad ko ay puro masasarap na pagkain at magagandang tanawin na lang ang kinukunan? Hindi ba form of self-denial ito, o shying away from reality kaya? Muni-muni mode on! 😛
Pagkain na naman ang naisip ko pag pinag-usapan ang “madumi” at yan ay ang street food!Wala nang ibang madumi na masarap di ba?
Naalala ko tuloy ang “dirty ice cream.” Tayong mga Pinoy lang yata ang may bansag ng ganito sa ating sorbetes. Ipinagmamalaking dirty pero yummy. Ube,keso, mangga at buko flavors… nyarap! 😛
Ano ba kasing meron ang street food? Napapaligiran ng alikabok at di mo nga alam kung pang-ilang gamit na ang mantika. Ang hugasan pa ni Manang ay chipipay na palanggana. Pero ang sarap nito, babalik-balikan mo…. 🙂
Thess says
Lol* AJ, ang husay mo mag-tagalog 😀 o di ba, nakaka praktis tayo tuloy he he. Tumpak ka sa isang bagay tita, masarap talaga ang pagkaing kalye kahit madumi sya…matitibay yata tyan nating Pilipino ha ah ha!
Eric says
naloka ako. talagalog! ahaha
but this is nice. i will try to do this starting next year. at least once post monthly. 😀
kelangan ko na mag praktis ng aking tagalog
julie says
Totoo yan, puro nga masasarapang pino-post, eh hindi naman iyon ang ordinaring kinakain, kahit ng mga bloggers mismo.
Gusto ko din yang mga yan, kaya lang medyo bawal na sa akin 🙁
tanchi says
ang sarap nyan..ok lang kahit madumi..di naman nakikita…ang importante, masarap:)
maligayang LP!
http://monkeymonitor.blogspot.com
iris says
oo nga, ano ba meron yan at ang sarap? kung ano nga naman ang bawal, yun ang masarap! hehe.
happy thursday sayo!
mari says
kwek-kwek at calamares! yum!!!
witsandnuts says
Yay, tagalog. =) Masarap basahin. Naalala ko ang sinulat ko dati tungkol sa isiniwalat ng Imbestigador tungkol sa street calamares http://witsandnuts.com/?s=beware of streetfood
Lawrence says
??????????????????????????????????????
jher says
sarap naman nyan! di ba nga ang paniwala ng iba sa pagkaing kalye eh basta nadaanan ng apoy, pwede nang kainin dahil namatay na ang mikrobyo. alam naman natin na hindi totoo yon. kaya kami kung gusto naming makakain ng “street food” sinusubukan na lang naming lutuin, tulad nung calamares. o kaya sa kakilala lang kami bumibili. magandang LP sa iyo ajay!
jessforget says
waw!! tagalog tayo! 🙂 uu nga naman paminsan minsan kelangan din natin magtagalog sa mga blogs natin. mas madali gawin heheh.. pagkaing kalye uu masarap yun kahit alam natin na medyo naliligo na mga yun sa alikabok sa kalye o d kaya ay d natin cguradong malinis ang mga yun pero masarap parin at sulit sa bulsa. 🙂
michelle says
Wow! pagkaing kalye..masarap yan.pinaka-paborito ko ay un barbekyu…sarap balik-balikan hanggang maubos na ang dala kong pera.Sabi nga ng iba, ang pagkain ng mga “street foods” ay lakasan lang ng sikmura.
Shuttercow says
Masarap yan. Gusto ko yan.
Ito po ang lahok ko.
lino says
kore, madumi pero masarap….
pasensya na at ako’y nahuli, pakisilip ang aking lahok… 🙂
u8mypinkcookies says
dirty ice cream (esp. yung mango and chocolate!), taho, banana-/camote-q and turon! 😀 yummmmmmm…
edelweiza says
bakit lahat na lang sa buhay ng tao ironic? parang pagkain…madumi pero masarap. ah ewan, basta ako kakain pa rin ng street food kahit madumi ito. 🙂
Jiana says
thanks po for posting this yummilicious blog(of course….. the pics!)
it really helped me on doing my research paper <3so keep it up!