Kinunan ko ang larawang ito habang lumalakbay ang aming binibyaheng jeep galing Mt. Pinatubo. Kahit kuha sa moving vehicle without any setting, natuwa naman ako at maganda ang kinalabasan nya. Ewan ko ba kung bakit tinuturing kong dramatic ang litratong ito at masasabi mong isang larawan to na paborito ko mula sa aming byahe. Sa tingin ko lang, akma ito sa tema ng Litratong Pinoy ngayong linggong ito.
Sa simula pa lamang ay nilikha ng Panginoon ang mundo. At sa mundong ito, inatasan tayong palaguin ito. Pano na lang tayo kakain kung wala ang mga magsasaka? Kahit sabihin mo pang hamak ang gawaing ito, di tulad nating ‘white collar worker.’ San pa nagsisimula ang ating kabusugan at kaginhawaan sa buhay kundi sa pagod ng kalabaw at matinding pag-araro ng mga nagsasaka at nag-aani sa mga lupain?
(This is one picture I took from a moving vehicle during our Mt. Pinatubo trip.) I consider this shot dramatic and is in fact, one of my favorites from the trip, even if it was taken without any camera settings. I consider this photo apt for Litratong Pinoy’s theme for the week: in the beginning
In the beginning, God created the world. And man was tasked to let this world grow. What would the world be without those hardy farmers who till our land? Their work may not be as glamorous as us, the white-collar workers, but their work is equally important. We eat and we enjoy the fruits of the land because of the hard work of the farmers and animals like the carabao.)
Joy says
Gusto ko ang interpretasyon mo sa temang ito. Tama – yan nga ang simula ng mga malalago at masasarap na pananim.
Ito po ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lang-only-beginning.html
Magandang araw!
Mirage says
Drive by shot! Agree, as stewards sila lang yata ang literal na gumagawa me kinalaman sa lupa… Happy LP!
Marites says
oo nga, kaya nga lang..ang magsasaka at ang kalabaw ang laging may mas maliit na kita pagkatapos ng lahat. Kaya, karamihan sa mga magsasaka, hirap hanggang sa pagtanda. Ang labas tuloy, ayaw ng mga anak na magtanim gaya ng kanilang magulang.
emarene says
naalala ko yata yung mga postcard ng Pinoy noong elementary pa ako. Pinoy na Pinoy!
Dr Emer says
kokonti na ang mga farmers sa Pilipinas.
we have a very low regard for farmers and their importance.
you have a beautiful interpretation of what a correct beginning means.
happy LP!
kg says
gusto ko itong litratong ito. pinoy na pinoy. 🙂
purplesea says
back to basic talaga no? Ako din malaki ang paghanga ko sa mga magsasaka dahil malaki ang naitutulong nila sa atin.
sassy mom says
Ang galing ng tema mo. Nakakabilib talaga ang sipang ng mga magsasaka!
Magandang Huwebes!
Eto naman ang aking lahok.
witsandnuts says
I liked your entry a lot! Tamang tama talaga for this week’s theme. Nakakamiss ang buhay sa probinsya.
iska says
Bakit nga kaya ang unang pumapasok sa isip natin, lalo na pag sa Pilipinas at kahit sa China nung dun pa ako nakatira, mahirap o hamak ang magsasaka? Kakaiba naman dito sa NZ, sila ang tunay na mayayaman 🙂
Pero tama ka, maganda nga ang pagkakakuha mo…
Mauie says
Oo nga naman, paano na tayo kung walang magsasaka. Nakakalungkot lang isipin na hindi lang mga magsasaka ang kumokonti sa Pilipinas kundi pati na rin ang lupang sasakahin nila.
Heto po ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lang.html
Jay - Agent112778 says
korek! jan naman talaga nagsismula ang bigas diba? sa pag araro ng lupa
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
Jesz - lekultisziefamilie says
maganda parin ang pix kahit ma-u-ga ang jeep
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
beybigurl says
mahirap na simula yan…
http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/05/lp-56-simula-pa-lamang.html
dennis villegas says
Wow love that shot! Very rural and peaceful ang dating!
reyna elena says
hahahaha! GURL!!! that was me during my barrio siete days! maniwala ka! can you imagine si reyna ganyan? the only thing, nakapayong ako hehehe
reyna elena says
ateng! i hope you won’t mind! nanakawin ko ang litraks na to! ipabaranggay mo na lang ako ehehehe
kiMzes says
tOma !!!!! 🙂