Nung bumisita kami ni WhizHeart sa Batanes ay nakuha ang atensyon ko ng batang pintor na ito. Patuloy lang sya sa paggawa ng kanyang obra maestra ng walang pakialam sa mundo. Kung ikaw ay mahilig sa sining na tulad ko, kamangha-mangha talagang pagmasdan ang gawain ng mga artists. Wag na nating bilangin si Michaelangelo. Hinahangaan ko ang mga artists dahil kaya nilang gumawa ng mga magagandang bagay sa mga pinagtagpi-tagping papel, bubog ng baso, basura at iba pang ordinaryo sa ating paningin.
Kahit man ako ay nagpapasalamat na makatapos ng mga blog post o artikulo. Matagal na rin akong nagsusulat pero di dapat ipagpawalang-bahala ito. Habang may buhay at ang tao ay malusog, isang pagwawagi ang makapag-isip at makalikha kaya ipagpasalamat at ipagdiwang ito!
Ito ang aking lahok sa tema ng Litratong Pinoy sa linggong ito 🙂
Marites says
maganda ang kanyang pagkakagawa ah. galing din ako ng Batanes noong nakaraang taon. Sana, makabalik ako sa madaling panahon. maligayang LP sa iyo.
julie says
Ang galing, wagi nga ito 🙂
Thess says
Wagi ang talentong yan! Salamat sa pagbisita kay Charlie 😉
Raiza says
Ma’am kagaya niyo po mahilig din po ako sa art. HIndi naman po mahalaga na sumikat ang artists diba po? Ang mahalaga po eh na-aappreciate natin yung mga bagay na nagagawa nila. Kabilang po sila sa mga tao na nagpapalabas ng tunay na ganda ng buhay natin. 😀
pining says
ang ganda ng kanyang style sa pagpinta:-)
iska says
kagandahan namang talaga ng drawing nya..
hi ajay!
sha says
thats a beautiful piece of work
annalyn that kind of work sa pinas tag pila na inday?
Jaypee says
Ang galing! Gusto ko makita yon yaring larawan or di kaya ang iba likha ng batang pintor na ito.