Ngayong linggo sa Litratong Pinoy, ang pinag-uusapan ay bulaklak.
Kapag sinabi mong bulaklak eh wala akong maisip kundi ang magandang bouquet ng dilaw na calla lily na hawak ko nung kami ni WhizHeart ay kinasal kamakailan. Sobra akong nabighani sa bulaklak na ito kaya di ko sinunod ang tradisyon na itapon ito sa bouquet toss. Ganun na lang ang panunuksong inabot ko sa aking kabiyak at malapit na kaibigan. Selfish daw ako, hehe.
Ngayon ko lang naisip, nandun ang bulaklak sa bawat mahalagang bahagi ng buhay ng tao. Halimbawa na dito ang kasal, Valentine’s Day, pagkakasakit at pagkamatay. Ano ba ang ibig sabihin nito? Supposed to be nagbibigay tayo ng bulaklak para mapasaya ang isang tao. Bakit nga ba sa mga burol ay may bulaklak pa rin? Hindi naman siguro ito nagpapahiwatig ng kasayahan sa isang pangyayari. Ninanais lang ng nagbibigay ng bulaklak na sumaya ang mga nagdadalamhati.Ito’y sapagkat sa ating kalungkutan, nagbibigay ang bulaklak ng paalala ng kagandahan ng buhay.
P.S. Tutal pinag-uusapan na rin lang, this little space offers its condolences sa pamilyang naulila ng sampung taong bata na si Juan Carlo Miguel “Amiel Alcantara. Eto ang istorya. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang trahedyang ito. Ayokong magalit kasi Season of Lent na. Kailangang magpatawad at intindihin ang plano ng Diyos sa ating buhay. Kailangang mabuhay katulad ng isang bulaklak na umuusbong at punong-puno ng pag-asa. Nasa langit na si Amiel 🙁
Gizelle says
Wow ang ganda pala nyan sa dilaw!
Gusto ko lang sana sabihin, hindi pinlano ng Diyos na mamatay tayo, malungkot pero hindi nya yun plano, tinatawag ng bibliya ang kamatayan na kaaway ng Diyos.
Anyway Happy LP!
peachy says
ngayon langako nakakita ng dilaw na calla lily.. happy LP!
Thess says
ha ha ha! Kahit siguro ako nde ko ibabato yan he he, sorry na lang silang dalaga.
Linnor says
ang elegante ng pagkaka gawa ng bouquet mo ajay. na-preserve ba ito as a wedding memento?