Lumaki akong kaharap lang ang dagat kaya naman ako ay nabibighani kapag nakakakita ng tanawing tulad nito. Natatandaan ko noong ako’s maliit pa, nakikita ko ang mga mandaragat na pumapalaot sa kanilang bangka tuwing umaga. At pag gabi naman, naririnig ko sa aking kwarto ang paghampas ng alon sa mga bato.Too good to be true, pero totoo.
Masasabi mo ngang malayo na ang narating ko kasi nasa Maynila na ako. Pero ano naman ang panama ng mga naglalakihang mall at gusali ng siyudad sa puting buhangin at malawak na dagat na kinagisnan ko? Kahit wala man gaanong pinagpiyestahan na TV at tsokolate sa paglaki, nakaukit na sa isip ko ang mistulang paraisong kinamulatan na yon.
Dalawang taon na rin ang lumipas mula ng ako’y huling napadpad sa aming probinsya.Wala pa ring gaanong pagbabago, maliban sa ilang mga banyaga na nagda-diving doon. At sa aking pagbisita, nandun pa rin ang panalangin na balang araw ako ay tumira uli sa bahay sa may tabing-dagat, kung saan ang aking mundo ay makukulayan na naman ng berde, asul, dilaw at puti. At ang pinakahigit dito ay… asul!
ces says
maganda nga, mahusay na panalangin:)
RoseLLe says
masaya naman talagang mabuhay, manirahan sa ganyang lugar. payak at wala gaanong stress. masayang LP mula po sa:
Reflexes
Living In Australia
na sana’y iyo ding mabisita.
tanchi says
wow..ang ganda dian…sarap talgang maligo pag marami kayo:)
MALIGAYANG LP
bisita ka rin sa post ko:
http://asouthernshutter.com
iska says
yan ba ang lugar na kinalakihan mo? napakaganda naman. paraiso!
Thess says
bahay sa tabing dagat, pangarap ko rin na sana balang-araw….
nice weekend to you, ajay.
ajay says
Thank you all for dropping by 😉 Happy LP!
yeye says
ako naman lumaki naminsan lang humarap sa dagat kaya naman pag nakakakita ako ng tulad niyan….sasabihin ko n lng “WOW ANG GARA NAMAN”
haha
happy LP 😀
manilenya says
naks! taga batanes ka? gustong gusto kong puntahan yan.
rolly says
Tunay ka! Hindi nga ba’t tinitiis natin ang malayong paglalakbay marating lang ang ganyang tanawin?
Angel says
Ang galing mo palang mag Filipino a! Ano ang blog sa Filipino? Blag ba?
reyjr says
Hi Annalyn. I was browsing through Philippine Travel Blog and found you were a contributor. I though your name sounded familiar, yun pala kasi u were adding me on Facebook (unfortunately I ddnt know u so i ddnt approve the request). Hehe.
Anyway, all the best for the Philippine Travel Blog. I’ve revived my blogging just this month after about 2 years of minimum activity. 😀