Eksayted ako kapag mayroon akong regalong natanggap at hindi ko alam kung ano ang nasa loob nun.
Eksayted ako kapag nakakakita ako ng long-lost friends. (Lalo na pag may nagsabing “pumayat ka!”) 😀
Eksayted ako kapag pumupunta sa lugar na hindi ko pa nararating. Siyempre, gusto kong subukan lahat ng pagkain at tanawin doon.
Eksayted ako sa nalalapit naming pagkikita ng aking Irog. <3
Eksayted ako kasi Pasko na!
Ngayong taong ito ay medyo kinarir ko ang Pasko kasi ito ang unang Pasko namin ng mga anak ko sa sarili naming bahay. Kaya may I buy ako ng bagong Christmas tree at kahit walang panahon ay pinilit kong disenyohan ito! Ayan, shades of gold and orange over green. Bumili rin ako ng Santa’s stockings, gingerbread house at iba pang palamuti. Nakakainggit kasi ang mga nagkikislapang dekorasyon ng mga kapitbahay. Magastos nga pero ang saya ng pakiramdam kasi parang bumabalik ka sa iyong pagkabata. Showcase ng COD Department Store pa ang pinapanood namin noon.
Eksayted ako, bow. Happy holidays to all!
Lace Llanora says
Wow we also have the same poinsettias sa Christmas tree 🙂
Your tree is beautiful! Merry Christmas 🙂
Mr Z says
“Eksayted ako sa nalalapit naming pagkikita ng aking Irog.”
ako din :”>