Truth to tell, I wasn’t able to watch the Buzz yesterday because of the weekend market. Thank God, excerpts of the interview were readily posted on the internet. And just when I was enjoying the online replay, my internet connection at home became slow. It’s good that a friend forwarded me this transcript of KC’s much talked about interview with Boy Abunda in The Buzz. Read on: 🙂
Boy Abunda: Kristina (KC), this is not going to be easy para sa iyo, para sa amin. But we have to start this conversation somewhere.Umpisahan natin doon sa October 21 of last year, noong naging officially kayo ni Piolo Pascual. What was it like? Take me back to October 21.
KC Concepcion: “Actually, simula nung 18 ako, tri-ny na niya akong ligawan. But then in the the last three years talaga, since bumalik ako from abroad, siya yung unang bumungad sa akin—siya at saka yung barkada niya yung una kong nakilala.
Two years kasi ako Tito niligawan ni PJ [Piolo’s nickname] — on and off.
So, talagang sa loob-loob ko, sabi ko, sabi nila, ‘Kailangan mo talagang kilalanin yung tao muna.’ So, yun yung ginawa ko, na talagang kinilala ko siya.
Simula ng Lovers In Paris na sinasabi niyang he wants to get to know me more than a friend. May mga times pa na mga three months hindi kami nag-uusap, tapos biglang bumalik siya, tapos nanligaw na talaga.”
Boy : What would you be thinking during those times na wala na tapos biglang babalik na naman?
KC: “Na baka hindi siya sure sa akin or… Parang iniisip mo na lang nung natapos yung Lovers, baka kasi break muna kasi nga araw-araw kaming nagkikita.
Basta nagde-date na rin ako ng iba na non-showbiz naman, so hindi na alam ng tao.
And then he came back nung April 2010, and then sabi niya nung birthday ko… Pinuntahan niya ako sa beach and then sabi niya sa akin, ‘Give me another chance.'”
BOY: At binigyan mo siya ng pagkakataon?
KC: Opo naman. After that, by October 2010, he asked me to be his girlfriend.
For me, ano lang, babae lang ako na niligawan, kinilig nang sobra. Kasi, di ba, tingnan ka lang ni Piolo ng konti, talaga namang…di ba, as a girl, kikiligin ka talaga? As I always say, ikaw ba ligawan ni PJ? Or somebody na kasing bait niya or somebody na ganyan kaguwapo… At that time, nagpapakatotoo lang naman ako.”
BOY: During this time na niligawan ka ni Piolo… Sigurado ako dahil meron akong nakausap na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa iyo, hindi sila boto kay Piolo.
Looking back ngayon, habang nag-uusap tayo, naiintindihan mo ba kung saan nanggagaling yung mga opinyon na yun?
KC: Napag-usapan namin ‘yan Tito Boy ni PJ, and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din naman nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him. So, sabi ko, ‘Poproblemahin ba natin yun yung ibang tao? Kasi anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me.’ So, sabi ko, ‘Wag natin pansinin yung ibang tao. If anything, ako, sasabihin ko sa iyo I trust you. ‘So let’s make it a point na kung anuman yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo, yun ang paniniwalaan ko.'”
BOY: What was the best thing about that relationship?
KC: You know, it’s my first showbiz relationship, e.
BOY: Ibig sabihin, taga-showbiz?
KC: Yes, pareho kami ng trabaho. So, I think the best thing is that natuto ako na parang mas naging mas mature talaga ako sa relationship na ito.
First relationship ko rin na seryoso talaga, to the point na may mga bagay na hindi naman kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept.
BOY: May mga bagay na mahirap pero tinatanggap, and that’s mutual.
KC: Mas naiintindihan ko kung ano yung pagmamahal. It sounds corny, pero yung mas accepting ako.
BOY: Ikumpara mo nga Kristina ang October 21 of 2010 at ang October 21 of 2011. May mga pagbabago? Pagkakapareho? Saan napunta ang relasyon?
KC: Marami pong naklaro sa akin.
BOY: Katulad?
KC: Yung mga kaya ko at di ko kayang gawin.
BOY: Bilang girlfriend?
KC: Bilang babae, na minsan… uhm, kailangan mo rin intindihin yung sarili mo.Kasi bigay lang ako nang bigay, saka iniintindi ko lahat, Tito Boy.
Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako nang intindi, tanggap lang ako nang tanggap. Yun pala, hindi pala dapat ganon.
BOY: In some of your interviews, may mga pagkakataon na hindi namin masyado maunaawan ang sinasabi mo, especially when you refer to wanting to speak up tungkol sa ilang mga bagay na may kinalaman kay Piolo Pascual. Ito ang tanong ng ilang taong nanonood sa atin ngayon, sa pag-uusap na ito: Bakit ka nagsasalita ngayon? Why are we talking about this? Why the need to be able to tell your story?
KC: Tito Boy, kasi kailangan ko lang siyang gawin para sa sarili ko…uhm, ang dami po kasing nangyari.”
BOY: Can I give you the word? Katinuan? Sanity? Katahimikan?
KC: Opo, opo. Ang dami po kasing nangyari in the last year na parang bukod sa marami akong natutunan talaga, may mga masasayang moments naman, Tito Boy. Siyempre ano lang talaga, hindi kasi ako mahilig magkuwento ng problema namin sa iba, hangga’t kaya ko pa. And I guess nung time na na-realize ko na talaga, na hindi na talaga ito gagana.
Dalawa o tatlong buwan talaga ako pumapasok sa The Buzz every Sunday, or sa ASAP, na kunyari okay lang lahat. Kasi akala ko mawawala lang siya, na akala ko parang hindi naman kailangan malaman ng ibang tao, para maayos yung problem.
But then, talagang pag pumapasok ako, tapos…pagdating ng commercial break… Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko dahil sa lahat ng pinagdadaanan namin. Nagkukulong na lang ako sa banyo. Hindi ko na puwedeng gawin yun, e. Hindi ko na siya kayang mag-isa.”
BOY: Diretsang tanong Kristina, hiwalay na ba kayo ni Piolo Pascual? Oo o hindi?
(KC nods)
BOY: Sabihin mo lang ang kaya mong sabihin sa amin. Bakit? Paano? Saan? Kailan? Sino ang nakipaghiwalay, how did it all happen? Tell me what you can tell me.
(KC doesn’t answer)
BOY: Unahin natin, bakit kayo nagkahiwalay? Para maunawaan namin, at paano?
KC: May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi ayokong siraan siya.
Pero let’s just say na lahat talaga kaya ko, lahat! Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung anak niya! Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon, na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao.
May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yun tanggapin…
( and then, KC cries)
At kasalanan ko rin ito sa sarili ko, Tito Boy, kasi siyempre ginusto ko naman ito, di ba? So, kasalanan ko rin sa sarili ko kasi ‘pinaglaban ko pa, e. Saka sobra-sobra talaga akong nagtiwala. Sobra.
BOY: May third party ba?
KC: Ayoko pong sagutin, Tito Boy.
BOY: Kristina, gaano kasakit ang sakit? How painful is painful?
KC: Sobra po.
BOY: Galit ka?
KC: Ngayon ko lang po na-realize na opo.
BOY: “Galit ka dahil? Anong nagawa sa iyo? Ano ang hindi mo kinaya? At bakit ka galit?
KC: “Ewan ko kung bakit, paanong nangyari yung pain, at saka yung sama ng loob naging galit.
“Na talagang nagugulat din ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako.
“Hindi naman ako gano’n, and bigla na lang akong maiiyak kasi hindi pala ako okay.
“And then siya [Piolo], natatawa lang siya kapag nakikita kong ini-interview siya, idadaan lang niya sa joke.
“Sa tingin ko, ‘Bakit ikaw ganyan? Ako ganito?’
“Bakit parang hanggang sa huli, mag-isa lang ako rito?
“Anong sasabihin ko sa pamilya ko?
“Anong sasabihin ko kay Mama [Sharon Cuneta] na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi na?
“Kasi kapag sinabi kong hindi na, magtatanong siya, ‘Bakit?’
“Anong isasagot ko sa kanya?
“Anong isasagot ko sa lola ko [Elaine Cuneta] na mahal na mahal siya?
“Hindi ko masabi kasi, e, hindi ko talaga masabi sa kahit na sinong tao kung anong nangyari.
“Hindi ko talaga puwedeng sabihin.”
BOY: “Dahil kapag sinabi mo, anong mangyayari?”
KC: “Ayoko lang makasakit ng tao, Tito Boy.”
BOY: “Humingi siya ng tawad?”
KC: “Opo, ganun naman po si PJ, humihingi naman po ng tawad.
“Pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is para sana hindi na maulit.
“Kasi hindi ka naman magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit, paulit-ulit na magso-sorry.”
BOY: “Did he ask for a second chance?”
KC: “Tito Boy, binigyan ko siya second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance.
“Pagdating ng eight chance, parang na-realize ko, hindi lahat ng problema, nadadaan sa kilig, hindi lahat ng problema nadadaan sa tawa, hindi lahat nadadaan sa kilig.
“Kasi ang galing-galing niyang magpakilig.
“Ang tanga-tanga ko nga Tito Boy, e.
“Dumating lang siya sa point na parang, ‘Sandali lang, parang hindi na natin inaano yung totoong nangyayari.’
“Kasi titingnan ka lang niya, ay, wala na, nakalimutan ko na lahat!
“Lagi na lang Tito Boy gano’n.”
BOY: “Pagbalik mo rito sa Pilipinas, you left again for the United States for a series of concerts, kasama mo si Piolo. How was that like?”
KC: “Sobrang challenging, Tito Boy.”
BOY: “Kasi magulo na yun during that time.”
KC: “Tito Boy, sobrang every day talaga nung tour na yun, talagang parang test, parang exam.”
BOY: “Nag-uusap kayo?”
KC: “Opo, nag-usap kami.
“PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why.
“And araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami, parang tug of war talaga.
“Kasi, ito yung taong minahal ko, o mahal mo, pero sobra akong nasasaktan ngayon.
“Pero mahal ko siya, pero hindi na talaga puwede.
“Araw-araw na magkasama kami, iniisip ko, ‘Dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang.
“‘Ni hindi natin na-enjoy dahil hindi na gagana.'”
BOY: “Kristina, sa pinagdadaanan mong ito, sino ang kakampi mo? Saan ka humuhugot ng lakas?”
KC: “Talaga pong itong mga time na ito yung pinaka…never pa akong nakapagdasal ng ganito kasobra.
“First time kong magdasal ng ganito.
“Diyos na yun, puwede pa akong magtiwala, Diyos ‘yan, e.
“And Siya lang po talaga yung naging kakampi ko sa lahat.”
BOY: “Sa lahat ng nangyari sa iyo, naikuwento mo na ba lahat sa mama mong si Sharon Cuneta?”
KC: “Tito Boy, kahit hindi ko pa ikinuwento sa kanya, alam na niya.”
BOY: “Sa palagay mo, ano ang pagkukulang mo bilang girlfriend kay Piolo Pascual?”
KC: “Tito Boy, naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon.
“Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya.
“Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya.
“And hindi…hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya.”
BOY: “Kanina tinanong kita, what was the best thing about this relationship. Tell me, what was the worst about that relationship?”
KC: “What was the worst… uhm, yung dahilan ng breakup namin.”
BOY: “Are you friends now?”
KC: “We’re civil with each other.”
BOY: “You’re hoping that you can be friends?”
KC: “Ang hinihingi ko lang sa kanya—’PJ, please ‘wag kang magagalit sa akin dahil nasaktan ako.
“‘Wag kang magagalit sa akin dahil hindi ako perpekto.
“‘Wag kang magagalit sa akin dahil may mga bagay na hindi ko na kayang intindihin at tanggapin.
“‘Wag kang magagalit sa akin kung kailangan ko munang maramdaman ito lahat, kung kailangan ko munang mag-respond at mag-react kung paano normal na mag-react ang isang babae sa sitwasyon ko, please.'”
BOY: “Ano’ng sabi niya?”
KC: “Tumahimik, Tito Boy.”
BOY: “How are you coping?”
KC: “Siguro po isa ito sa mga kinailangan ko munang gawin, kasi hindi ko po kasi nasasabi sa mga tao na heto na po iyon, e.
“Ang hirap kasi meron kang ‘tinatago sa tao…na hindi ko pa sinasabi na hiwalay na.”
BOY: “Kristina, you’re walking away from this relationship, ano yung pinakaimportanteng leksiyon na natutunan mo rito bilang isang babae?”
KC: “Magtira ka para sa sarili mo, at ang tiwalang ibibigay mo sa taong mamahalin mo, dapat alagaan ng taong mahal mo.”
BOY: “Ano ang nais mong sabihin kay Piolo?”
KC: “Alam na niya yun.”
BOY: “Gusto naming marinig, what would you tell him?”
KC: “‘Wag muna ngayon, Tito Boy.”
BOY: “One wish, one wish. God is there. One wish Kristina.”
KC: “Na makahanap talaga ako ng true love!”
BOY: “Tutulong kami sa pagdarasal! Maraming salamat, Kristina. Thank you.”
giggle says
kasi naman bakit pa nagtangatangahan! eh matagal na kaya yan obvious na bading! ilang beses na kaya yan naging usap-usapan! lalake nmn kaz ang hanap nyan, kaya d mo talaga yon mapunan! hayy naku naman kz!
maricel says
Bat hindi ko ito ma recommend or share?
maricel says
Ok i shared it on my facebook wall. Thanks.
mayumee says
“Magtira ka para sa sarili mo, at ang tiwalang ibibigay mo sa taong mamahalin mo, dapat alagaan ng taong mahal mo.” TAMA! everybody is searching foe one true love… bakit nga ba may mga taong dadaan lang sa buhay natin para turuan at bigyan tayo ng aral sa masakit at mahirap na paraan?
USWitness says
Sana naniwala si KC sa ibang tao at sa mga balita about Piolo, mahirap talaga for Piolo na bigyan sya ng sapat na atensyon kasi nga, nagtatago pa siya sa closet…at ayon sa aking source, Piolo’s son is not really his, anak yun ng sis nya, inako nya lang, front lang para masabing lalaki sya, pero lalakwe pala.
chona says
thank you so much for the complete details…ay naku…totoo kaya yung questionableng gender ni Pj? e kung totoo, this si the second time na idol ko nagka ganon: noon si carmina villaroel at si rustom padilla talaga yung idols ko, marami akong collection pictures nila, tapos yun frustrating kasi ok lang sna kung tuntil now guapo pa rin si rustom, e hindi na eh, payat na siya. si carmina ok alng maganda pa rin. ngayon si kc ang idol ko tapos si pilo pa. a kung ganon , bakit pa naman ganon sila, gusto pa nilang manakit ng ibang tao para sa sariling kapakanan nila?
female says
sa tingin ko, ung sinasabi ni kc na “hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya”, ay parang ginawa syang maid at hindi lover. may experience kasi ako katulad nyan. sisigawan ka, konting mali mo lang mali na agad lahat. in short, perfectionist. parang lahat ng gusto nya dapat masunod. tapos kapag pinaghihinalaan mo siya, magagalit agad, sya pa ang galit. siguro nagkaroon sila ng away lately ni piolo at hindi na kinaya ni kc.
hope you find your man kristina.
ic says
hay ang daming pasikot sikot at pabitin! ayaw makasakit pero talak ng talak! kung ayaw ni KC makasakit eh di sana nanahimik na lang siya. wala ko mafeel na simpatya sa knya ksi wla nman ebidenxa n ngssabing may gnawa nga s knya c piolo. lhat d pedeng sbihin. mejo oa tlga ang spoiled brat daughter n i2 ni ate shawie!
bi says
No offense to the people who are criticizing Piolo because of the doubt of his gender but let us leave them alone. We do not know them personally and we do not know what exactly happened. If you’re on Piolo’s shoes you might feel the extreme pain of being criticize by everyone. Not all relationships are working, and we all know that. If ever Piolo is really gay, we should accept him. He’s not living to satisfy what people want him to be. I hope Piolo and KC will have their peace of mind.
angelita pascual says
for me piolo is really gay,bakit hindi masagot ni kc na may third party ba? bakit takot sya kung matanong kung sino tapos mahirap sagutin yun baka name ng lalaki masabi nya.huh!
Tamara says
If it’s really true na gay is piolo…so what open na ngayon di na makaluma ang tao. But for kc trauma yan sa bbae kse minahal mo tas ang mahal lalake? Sbi nga ipagpalit ka na sa babae ok Lang pero sa lalake? Just too bad bagay pa nman sila. Sana si piolo umamin na para di na say makasakit ng iba kkawala din sanity ha.
bcd says
talagang bading cya ang kapal nang mukha nya para sumali sa the hunks befor lalaki ren pala ung hanap nya nakakahiya cya
BADING KA TALAGA pJ