Ito ay isang lumang litratong kuha ko sa siyudad ng San Pablo, Laguna. Sa unang pagkakataon ay dumalaw ako sa lugar na ito at nabighani sa tahimik na lawa. Ang San Pablo ay tinaguriang "City of Seven Lakes." Doon nga'y nakita ko ang babae at lalaking ito na magkatabi at nag-uusap kaharap ang tubig.Di ko alam kung magkasintahan sila kasi di naman nakayakap si Mister kay Miss. Pero kung ganitong lugar naman ang pagtitipanan nyo, it sets the tone, ika nga. Maraming magagandang nangyayari kung maganda ang paligid. Nagiging mas makulay ang buhay, di ba? Echoz! ... Continue Reading...
Litratong Pinoy 41: Asul
Lumaki akong kaharap lang ang dagat kaya naman ako ay nabibighani kapag nakakakita ng tanawing tulad nito. Natatandaan ko noong ako's maliit pa, nakikita ko ang mga mandaragat na pumapalaot sa kanilang bangka tuwing umaga. At pag gabi naman, naririnig ko sa aking kwarto ang paghampas ng alon sa mga bato.Too good to be true, pero totoo. Masasabi mo ngang malayo na ang narating ko kasi nasa Maynila na ako. Pero ano naman ang panama ng mga naglalakihang mall at gusali ng siyudad sa puting buhangin at malawak na dagat na kinagisnan ko? Kahit wala man gaanong ... Continue Reading...
Bagong Panimula/New Beginnings
It's Litratong Pinoy taym once again at okay ang tema ngayong linggo na ito: kahit ano puwedeng ipaskil at isulat. Pero bago ang lahat, binabati ko kayong lahat ng Happy New Year, gaano man ka-belated. I like the New Year kasi it gives me an excuse to make resolutions na hindi naman lahat natutupad. Sa 2009, ito ang gusto ko: 1. Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Mag-ehersisyo. Nakakatamad kasi. 2. Mag-blog pa rin, pero iwasan ang pagiging adik sa Plurk at Facebook :D 3. Magsuot ng mas maraming palda kesa pantalon, para naman feeling lady (hehe) ... Continue Reading...
Litratong Pinoy 36: Eksayted!
What makes you eksayted? Eksayted ako kapag mayroon akong regalong natanggap at hindi ko alam kung ano ang nasa loob nun. Eksayted ako kapag nakakakita ako ng long-lost friends. (Lalo na pag may nagsabing "pumayat ka!") :D Eksayted ako kapag pumupunta sa lugar na hindi ko pa nararating. Siyempre, gusto kong subukan lahat ng pagkain at tanawin doon. Eksayted ako sa nalalapit naming pagkikita ng aking Irog. <3 Eksayted ako kasi Pasko na! ... Continue Reading...
LP 35: Ang pagwawagi
Nung bumisita kami ni WhizHeart sa Batanes ay nakuha ang atensyon ko ng batang pintor na ito. Patuloy lang sya sa paggawa ng kanyang obra maestra ng walang pakialam sa mundo. Kung ikaw ay mahilig sa sining na tulad ko, kamangha-mangha talagang pagmasdan ang gawain ng mga artists. Wag na nating bilangin si Michaelangelo. Hinahangaan ko ang mga artists dahil kaya nilang gumawa ng mga magagandang bagay sa mga pinagtagpi-tagping papel, bubog ng baso, basura at iba pang ordinaryo sa ating paningin. ... Continue Reading...
Recent Comments